Huwebes, Agosto 2, 2012

ang paglaganap ng droga sa pilipinas.


          Suliranin:
                    
                          Ang paglaganap ng droga sa pilipinas.
                Ang droga ay isang mapaminsalang bagay.Ito ay maraming masamang epekto sa katawan at pagiisip ng tao.Ang droga ay hindi dapat inaabuso.Dahil ito ay nakasisira ng buhay ng tao.Marami ng buhay at pamilya ang nasira ng droga.Maging ang buhay ng maraming kabataan ay nagawa na nitong sirain.

       Pagbuo ng teorya o haka-haka:


             Ang paglaganap ng droga sa pilipinas ay mapipigilan lamang kung wala ng tao ang gagamit,magbebenta,at gagawa nito.At kung paiigtingin pa ng pamahalaan ang pagpapatupad ng mga batas ukol sa pagbabawal ng ipinagbabawal na gamot.Maiiwasan din natin ito kung makikiisa tayo  sa mga prugrama ng pamahalaan.

     Paglikom ng datos:
      

Epekto sa tao

Nakapagdudulot ang bawal na gamot ng pansamantalang ginhawa at pag-inam ng pakiramdam sa tao dahil sa epekto ng gamot na ito sa panggitnang sistema ng nerbiyos ng katawan. Ngunit nasusundan ang kaginhawahang ito o pakiramdaman ng ganting-kilos o tugon o reaksiyon mula sa sistema ng nerbiyos, na kinabibilangan ng pagkalungkot o depresyon, o kawalan ng kaginhawahan at hindi mapakali. Dahil sa reaksiyong ito, nabubuo o nahuhubog ang patuloy na paggamit ng bawal na gamot na nagiging isa nang siklo o pag-uulit at panay na paggamit.[1]
Sa kalaunan, naaapektuhan ang sistemang panunaw ng tao, ang kaniyang pagtulog, nagkakaroon ng pagka-iritable ng sistemang nerbiyos o pagkabugnutin. Humahantong rin sa pagkabaliw o pagkasira ng isipan at utak ang adiksyon sa gamot. Namamatay rin ang tao dahil sa pagkalason sa gamot, o dahil sa pagkitil niya ng sariling buhay.[1]
Magkakaiba ang mga epekto ng pinagbabawal na gamot sa iba’t ibang mga tao. Kabilang sa mga batayan ng antas ng pagkakaapekto sa katawan at isipan ng tao ang kundisyon ng kanyang katawan, kasama na ang laki, timbang, kalusugan, katauhan, huling oras o panahon ng pagkain, mga inaasahan niya sa gamot na ininom, pati na ang dating karanasan sa paggamit ng masamang gamot.[2]
Kasama pa ring batayan ng epekto sa tao ang mismong mga katangian ng ininom o ginamit na gamot. Kabilang dito ang dami ng gamot, ang katapangan ng timpla ng gamot, ang paraan ng paggamit  – maaaring hiniti, ininom, o kaya ininiksiyon o itinurok sa balat  – , at pati ang pagsasabayan o pagtatambalan ng mga ginamit na bawal na gamot.[2]
Nakakaapekto rin sa tao ang sarili niyang kapaligiran. Kabilang dito ang pagiging nag-iisa ng tao, ang pagkakaroon niya ng mga kaibigan kasama at mapagkakatiwalaan, at kalagayan niya sa kaniyang lipunan at tahanan.[2]

[baguhin]Mga pinsalang dulot

Kasama sa mga kapinsalaang naisasanhi ng mga bawal na gamot ang ukol sa pagkakaroon ng problema sa katawan, sa kalusugan, sa mga relasyon sa kaibigan, mag-anak, at maging sa pamayanan. Maidaragdag din dito ang pinsala na nagaganap sa kanyang pamumuhay dahil sa paggamit ng bawal na gamot, pati na ang sa hanap-buhay, pag-aaral, at akomodasyon. Humahantong din ang paggamit ng bawal na gamot sa anumang paglabag sa batas ng tao at lipunan.[2]
Dahil sa paggamit ng masasamang gamot, naaapektuhan ang kakayahang magpasiya ng isang tao, at mas malamang ang paggawa niya ng bagay na mapanganib sa sarili at sa ibang mga tao.[2]
Kaugnay pa rin ng kanilang pagkaadik, humahantong sila sa pagsisinungaling at pagnanakaw mula sa kapwa o kamag-anak upang matugunan ang kanilang pangangailangan.[1] 

         Pagbuo ng konklusyon
              
                   Ang aking nabuong konklusyon matapos ko itong ilahad ay mapipigilan natin ang paglaganap ng droga kung wala ng tao ang bibili,magbebenta,at gagawa nito.Ang sulosyon sa problemang ito ay nasa atin mismo.Kailangan nating makiisa sa pagsugpo nito,dahil kung ang pamahalaan lang ang kikilos ay walang mangyayari,marami paring buhay at pamilya ang masisira ng droga o ang mga ipinagbabawal na gamot.

1 komento: